Wednesday, July 13, 2022

Pasa Sa Katawan


Pasa sa katawan dahil sa Anemia.

May mga pagkakataon na senyales na ang mga pasa sa katawan ng ibang kondisyon na mas seryoso pa sa anemia. Unang-una diyan ang leukemia, na siyang cancer sa dugo at bone marrow.

Isa pang posibleng dahilan ng pasa sa katawan ang anemia, na isang medical condition kung saan may kakulangan sa red blood cells o di kaya hemoglobin. Ang hemoglobin kasi ang protina na mayaman sa mineral na iron. Tinutulugan ng hemoglobin ang red blood cells na dalhin ang oxygen mula sa lungs hanggang sa iba-ibang parte ng katawan.

Dahil sa kakulangan sa iron,  mas kilala ang isang uri ng anemia na iron deficiency anemia. Ika nga ng mga Pinoy, kulang sa dugo o anemic.

Kadalasang nagsisimula itong na mild lang, kaya hindi kaagad nabibigyan ng atensyon. 

Pero mainam na bantayan ang iba pang sintoma bukod sa pasa sa katawan, tulad ng:
  • Madaling mapagod at manghina
  • Pamumutla
  • Kinakapos sa hininga (shortness of breath)
  • Pananakit ng ulo
  • Hindi regular ang tibok ng puso
  • Pagkahilo
  • Panlalamig ng kamay at paa
Payo ng mga eksperto na komunsulta sa doktor, na siyang magrerekomenda ng blood test upang makumpirma ang iyong kondisyon at mabigyan ng tamang treatment.

Isa ang pagkakaroon ng pasa sa "most common symptoms associated with a blood cancer diagnosis." Katunayan, lumabas daw sa patient survey noong 2008 na napansin ng 24 percent ng mga pasyente ang madalas nilang pagkakaroon ng pasa bago nila nalaman na may leukemia na pala sila.

Upang makaiwas sa anomang uri ng karamdaman, narito ang pinaka mabisang halamang gamot, ating alamin dito!

No comments:

Post a Comment